^

Probinsiya

2 ‘holdaper’ utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 �holdaper� utas sa shootout
Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Toralde Secopito at Crisaldo Sentilla Secopito, pawang ng Brgy. Libtong, Libon. Nadakip naman si Francisco Sigalat na inabutang nagpapagamot sa tama ng bala sa tagiliran sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City.

1 pang suspek tiklo sa ospital

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Bulagta ang mag-pinsan na hinihinalang kasapi ng “Marano Criminal Group” na breakaway umano ng kilabot na “Concepcion Gang” habang isa pang suspek ang naaresto matapos na makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis makaraang mangholdap sa Maharlika National Highway sa Brgy. Ubaliw, Polangui, sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Toralde Secopito at Crisaldo Sentilla Secopito, pawang ng Brgy. Libtong, Libon. Nadakip naman si Francisco Sigalat na inabutang nagpapagamot sa tama ng bala sa tagiliran sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon habang nakatayo sa tabi ng highway at nag-aabang ng masasakyan si Den Mark Tagum, 26, nang biglang tumigil sa harapan nito ang dalawang motorsiklo lulan ang tatlong armadong suspek. Agad siyang tinutukan ng baril at sapilitang kinuha ang wallet nito na naglalaman ng P1,500. Nagtatakbo si Tagum at nagsumbong sa mga pulis na agad nakaresponde. Inabutan ang mga holdaper na lulan ng ‘di naplakahang motorsiklo. Gayunman, sa halip na sumuko ay tumakbo papuntang palayan ang mga suspek at pinuputukan ang mga pulis na agad na gumanti ng putok sanhi upang bumulagta ang magpinsan habang si Sigalat ay mabilis na nakatakas patungo sa direksyon ng Brgy. Kinale.

Ilang barangay official ang nag-tip na may nakita silang lalaki na may sugat sa tagiliran at may hawak na baril sa ilalim ng tulay ng Brgy. Kinale kaya agad hinanap pero ‘di na inabutan. Ginalugad ng mga pulis ang lahat ng mga maliliit na klinika at ospital sa Albay hanggang sa maaktuhan si Sigalat na nagpapagamot sa tinamong sugat sa BRTH.

Nabawi sa mga holdaper ang isang Magnum 357 at kalibre 45 baril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with