^

Probinsiya

Tiyo inutas ng pamangkin

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tiyuhin nang paghahatawin ng kahoy ng kanyang pamangkin nang magtalo sa gitna ng kanilang tomaan sa  Kidapawa City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Edgar Dela Cruz Paulino, 44-anyos, construction worker, residente ng Purok 2 Brgy. Balindog habang kusa namang sumuko sa mga otoridad ang suspek na si Johny Fernando Paulino, nasa hustong gulang, isa ring obrero.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, habang nag-iinuman sa barracks ang mag-tiyuhin kasama ang iba pang kasamahan sa construction site ng biglang magtalo ang dalawa sa ‘di matukoy na dahilan.

Kalaunan ay nag-uwian na ang iba pang kasamahan habang naiwan ang mag-tiyuhin at nagpatuloy sa pag-inom.

Madaling araw nang lumabas ang asawa ng isa sa kanilang mga kasamahan para sa umihi pero napansin nitong may humihingi ng tulong. Dito na niya nakita ang duguang biktima na si Johnny.

Agad na humingi ng tulong ang kasama nito pero nang balikan ang biktima ay wala na itong buhay.

Nakitaan ng sugat sa kanyang labi, pisngi at mata ang biktima palatandaang hinampas ito ng matigas na bagay.

Kusa namang sumuko sa M’lang PNP ang pamangkin na suspek.

vuukle comment

CRIME SCENE IN KIDAPAWA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with