^

Probinsiya

Tanod, 3 pa utas sa drug ops

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tanod, 3 pa utas sa drug ops
Sa ulat, napatay ng mga pulis si Julius Loyola alyas “Jay”, nasa hustong gulang at dalawang kasamahan nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan nang pumalag sa buy-bust operation na isinagawa sa Brgy. Muzon, Naic dakong alas-9:30 ng gabi.
File Photo

CAVITE, Philippines — Apat na sinasabing kilabot na tulak ng shabu kabilang ang isang barangay tanod ang napaslang sa isinagawang drug bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Naic at Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, napatay ng mga pulis si Julius Loyola alyas “Jay”, nasa hustong gulang at dalawang kasamahan nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan nang pumalag sa buy-bust operation na isinagawa sa Brgy. Muzon, Naic dakong alas-9:30 ng gabi.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong uri ng baril na kargado ng mga bala, 10 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at isang Suzuki motorcycle (7156 TS).

Bumulagta naman sa Brgy. Sampalok 4, Dasmariñas City ang barangay tanod na si Joey Pascua ng Brgy. Burol Main habang nakatakas ang kasapakat nito nang manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang drug-bust operation sa lugar.

Nakumpiska mula kay Pascua ang isang kalibre .99 baril, mga bala, 24 plastic sachet ng shabu at limang tig-P100 na buy-bust money.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with