^

Probinsiya

2 ‘tulak’ dedo sa buy-bust

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� dedo sa buy-bust
Kinilala ang mga na­pas­lang na sina Rodelito Pelayo alias “Toto”, ng Brgy. HBay 1, Bacoor City at Artjule Satinas alias Kal-­­ bo, ng Brgy Pag-asa 1, Imus City habang nakatakas ang isa nilang kasama na si Joey alias “Komang”.
Joven Cagande/File

CAVITE, Philippines — Dalawang umano’y bigtime drug pu­sher ang bumulagta matapos na makaengkuwentro ang mga pulis at PDEA agents sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Kawit kamakalawa. 

Kinilala ang mga na­pas­lang na sina Rodelito Pelayo alias “Toto”, ng Brgy. HBay 1, Bacoor City at Artjule Satinas alias Kal-­­ bo, ng Brgy Pag-asa 1, Imus City habang nakatakas ang isa nilang kasama na si Joey alias “Komang”. 

Sa ulat ni SPO2 Roldan Requioma, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang barilan sa kasagsagan ng buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Kawit Police sa pangunguna ni SPO2 Jaspher Aspiras laban sa tatlong suspek at PDEA 4-A. Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal sa mga suspek. Halagang P500 na shabu ang binili ng buyer, subalit habang isinasagawa ang tran­saksyon, nakatunog ang isa sa mga suspek kaya agad sumigaw ng “mga pulis”, bago sila mabilis na bumunot ng baril at patakbong pinaputukan ang mga pulis. Matapos ang ilang minutong bakbakan, tumimbuwang ang dalawa at nakatakas si alyas Komang lulan ng motorsiklo.

Narekober sa lugar ang isang cal .38 revolver na may 3 bala, 2 fired cartridge case, isang cal. 45 pistol na may 4 na bala, 2 cal. 9mm fired cartridge case, 2 cal. 45 fired cartridge case, isang slug at isang brown coin purse na may lamang 7 plastic sachet ng shabu.  Nakuha rin sa bulsa ng isang suspek ang P500 buy-bust money.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with