^

Probinsiya

Senglot nag-dive sa tulay, lunod

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang lasing na magsasaka matapos na mag-dive sa ilog mula sa isang hanging bridge sa Brgy. Kitubod, Libungan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Libungan Police ang nasawi na si Ariel Sigoyo Agbon, 24-an­yos, residente ng naturang lugar. Sa ulat, pasado alas-7 ng gabi habang pauwi si Agbon at live-in partner nitong si Jessa Tante nang bigla niyang maisipang maligo sa ilog kaya biglang tumalon mula sa tulay.

Matapos ito, hindi na lumutang pa si Agbon kaya’t agad na hu­mingi ng saklolo si Tante. Nag­lunsad naman ng search and rescue operation ang mga pulis at barangay officials sa lugar pero natagpuan si Agbon na isa nang bangkay na sumabit ang katawan sa kahoy na nasa ilalim ng ilog.

vuukle comment

DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with