^

Probinsiya

Abogado ng ‘massacre 9’ sa Sagay, itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Abogado ng �massacre 9� sa Sagay, itinumba!
Kinilala ang nasawing biktima na si Atty. Benjamin Tarug Ramos Jr., 56-an­yos, isa sa mga miyembro na nagtatag ng National Union of People’s Lawyers, ng Brgy. Biniculi, Kabankalan City at nagsisilbi rin abogado ng mga hinihinalang rebelde at drug users.

MANILA, Philippines — Patay ang isang human rights lawyer na humahawak sa kaso ng tinaguriang “massacre 9” sa Sagay City, Negros Occidental at “Mabinay 6” makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang tindahan sa Brgy. 5, Kabankalan City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Atty. Benjamin Tarug Ramos Jr., 56-an­yos,  isa sa mga miyembro na nagtatag ng National Union of People’s Lawyers, ng Brgy. Biniculi, Kabankalan City at nagsisilbi rin abogado ng mga hinihinalang rebelde at drug users.

Sa report ng Kabankalan City Police, nangyari ang insidente habang nagsisigarilyo ang biktima sa harapan ng plaza sa Rojas St., Brgy. 5, Kabankalan City  bandang alas-10:30 ng gabi.

Ang biktima ay nasapul ng apat na mga tama ng bala sa kaliwang dibdib, likuran at kanang bahagi ng kanyang katawan na idineklarang dead-on-arrival sa Holy Mother of Mercy Hospital.

Nabatid na ang biktima ay binansagang tagapagtanggol ng mga manggagawa at siyang nagtatag ng Panghihiusa Development Group, isang organisasyon ng mga magsasaka.

Ang biktima ay tumatayong abogado sa mga political prisoners kabilang ang binansagang Mabinay 6 o ang anim na kabataang umano’y mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang UP student na naaresto sa Mabinay, Negros Oriental noong Marso. Siya rin ang legal counsel ng mga magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental kaugnay ng naganap na pagmasaker sa 9 na magsasaka sa lungsod noong Oktubre.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. John Bulalacao  ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.

“We condemn the shooting to death of Atty. Benjamin Tarug Ramos Jr., ?I have already ordered  for the immediate conduct of investigation to resolve this incident,” ani Bulalacao.?

vuukle comment

HUMAN RIGHTS

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with