^

Probinsiya

VP ng LGBT kinatay ng 16-anyos bf

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
VP ng LGBT kinatay ng 16-anyos bf
Kinilala ang biktima na si Cyrus Legarda, 40-anyos, ng Blk. 25 Lt. 5 Brgy. Virata, GMA, Cavite at vice president ng LGBT sa nasabing lugar.

CAVITE - Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang vice president ng LGBT community matapos na katayin ng dalawang kabataan kabilang ang umano’y 16-anyos na boyfriend nito at tinangay pa ang kanyang motorsiklo kamakalawa sa Gen. Mariano Alvarez ng lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Cyrus Legarda, 40-anyos, ng Blk. 25 Lt. 5 Brgy. Virata, GMA, Cavite at vice president ng LGBT sa nasabing lugar. 

Agad namang naaresto ng pulisya ang dalawang suspek na sina John Paolo Muega, 18, at ang lover ng biktima na itinago sa pa­ngalang Alden; kapwa residente ng Brgy. Luzviminda 2, Dasmariñas City, 

Sa report mula kay P/Chief Insp Romulo Co Dela Rea,  hepe ng pulisya sa bayang ito,  alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ng isang tenant na si Glenda Gallano na tadtad ng saksak at wala ng buhay si Legarda.

Ayon kay Gallano, mag-isa lamang na nakatira ang biktima sa may rooftop ng bahay nito. Huli siyang nakitang buhay bago ang Araw ng mga Patay noong Oktubre 31, ganap na alas-6:30 ng gabi. 

Sa follow-up operation ng GMA Police, nakakuha sila ng kopya ng CCTV na nagtuturo sa dalawang binatilyo na siyang pumatay sa biktima at tinangay pa nila ang motor ng biktima na siyang ginamit sa pagtakas. 

Sa Brgy. Luzviminda 2 at Brgy. Burol Dasmariñas City, naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek at narekober sa kanila ang tinangay na kulay yellow na Mio Sporty na motorsiklo.

vuukle comment

LGBT COMMUNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with