^

Probinsiya

Snack bar pinasabog: 2 malubha

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Snack bar pinasabog: 2 malubha
Kinilala ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang mga sugatan na sina Mariel Referente, 17, estudyante at Jaybe Gatila, 22, self-employed; kapwa residente ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan at ginagamot sa Carmen Municipal Hospital.

MANILA, Philippines — Dalawang kustomer ang malubhang nasu­gatan matapos hagisan ng granada ng ‘di pa kilalang suspek na naka-motorsiklo ang isang snack house sa Barangay Poblacion, Carmen, North Cotabato, gabi ng linggo.

Kinilala ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang mga sugatan na sina Mariel Referente, 17, estudyante at Jaybe Gatila, 22, self-employed; kapwa residente ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan at ginagamot sa Carmen Municipal Hospital.

Batay sa ulat, nag­memerienda ang da­la­­wang biktima sa Snackhuz NR snack bar alas-7:55 ng gabi sa Sayre National Highway, Purok 6, Poblacion Carmen nang ihagis ng nag-iisang suspek ang isang matigas na bagay na tumama pa sa likod ng isa sa mga biktima.

Gumulong umano ito sa ilalim ng mesa at biglang sumabog kung saan ang mga sugatan ay mabilis na isinugod sa pagamutan.

Posibleng pananabotahe ang tinitingnang motibo sa paghahagis ng granada sa nasabing bar dahil ang bayan ay naghahanda para sa kanilang kapiyestahan.

vuukle comment

BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with