^

Probinsiya

Dalaga kinidnap, ni-rape; 3 suspek arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Dalaga kinidnap, ni-rape; 3 suspek arestado
Arestado naman sa follow-up operation ang mga suspek na sina Marlan Lasalita Lucenario, 30-anyos, tricycle driver; Ellonel Homo Loreno, 20, at isang binatilyo na itinago sa pangalang Mark Ian, 17, pawang residente ng nasabing barangay.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Kaawa-awa ang sinapit ng isang 22-anyos na dalaga matapos dukutin at gahasain ng tatlong lalaki sa Brgy. Banacud sa bayan ng Magallanes, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Agad nakapagsumbong sa mga awtoridad matapos paka­walan ng mga suspek ang biktimang itinago sa pangalang “Nena”.

Arestado naman sa follow-up operation ang mga suspek na sina Marlan Lasalita Lucenario, 30-anyos, tricycle driver; Ellonel Homo Loreno, 20, at isang binatilyo na itinago sa pangalang Mark Ian, 17, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi habang naglalakad ang biktima kasama ang ilang mga menor-de-edad na pinsan nang biglang tumigil sa kanilang likuran ang isang tricycle na minamaneho ni Lucenario na sakay sina Loreno at Mark Ian. Bumaba umano sa tricycle sina Loreno at Mark Ian Calvario na armado ng patalim at agad na tinutukan ang dalaga saka kinaladkad papasok sa tricycle. Dinala ang biktima sa Bucalbucalan Spring Resorts sa Brgy. Aguada at doon siya ginahasa ni Lucenario habang nakahawak naman sa kanyang mga kamay ang dalawang suspek na sina Loreno at Calvario. Matapos ang panggagahasa, tinakot umano ang biktima ng mga suspek na papatayin kapag magsusumbong saka inihatid ng tatlo ang dalaga sa bahay ni Brgy. Kagawad Malou Calvarion kung saan siya pinuntahan at sinundo ng kanyang mga kaanak dakong alas-10 ng gabi.

Agad namang naaresto at sinampahan ng kasong kidnapping with rape  ang mga suspek makaraang positibo silang ituro at kilalanin ng biktima.

vuukle comment

KIDNAPPED

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with