^

Probinsiya

4 ‘tulak’ bulagta sa shootout!

Joy Cantos, Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� bulagta sa shootout!
Sa report ni Laguna Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Eleazar Matta, dakong alas-11:40 ng umaga nang kumasa sa mga awtoridad ang umano’y drug pusher na target ng operasyon na si Ranil Ligpitan sa Brgy. Looc, Calamba City na kanyang ikinasawi. Nakumpiska sa operasyon ang baril na gamit ng suspek at isang plastic sachet ng shabu.
File Photo

MANILA, Philippines — Apat na pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang napaslang matapos na mauwi sa shootout ang magkahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa Laguna at Bulacan nitong Sabado.

Sa report ni Laguna Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Eleazar Matta, dakong alas-11:40 ng umaga nang kumasa sa mga awtoridad ang umano’y drug pusher na target ng operasyon na si Ranil Ligpitan sa Brgy. Looc, Calamba City na kanyang ikinasawi. Nakumpiska sa operasyon ang baril na gamit ng suspek at isang plastic sachet ng shabu.

Samantala, iniulat ni Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna na tatlong tulak ng droga ang napatay nang umano’y manlaban sa magkakahiwalay na operasyon sa San Jose del Monte City at Pandi ng lalawigan.

Kinilala ang mga napatay na suspek sa mga alyas na Jun, Bilog at Dodong.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nang umano’y manlaban sa mga operatiba ang mga suspek na sina alyas Jun at Bilog sa buy-bust operation sa Towerville, Brgy Minuyan Proper, San Jose Del Monte City. Nakumpiska mula sa lugar ang isang cal. 38 revolver, improvised shotgun, pitong sachet ng shabu at marked money.

Samantala, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang manlaban at mapatay ang drug pusher na si alyas Dodong sa buy-bust operation sa Brgy. Masuso, Pandi. Narekober dito ang tatlong cal. 9mm cartridge, isang cal. 38 revolver at walong plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with