^

Probinsiya

2 totoy nalunod sa ilog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 totoy nalunod sa ilog
Sa report, kasamang nagtatampisaw sa ilog ang biktimang si Armak Manawit, 8-anyos ang mga kalaro na sina Efren Naddig, Mark Paul Bugtong, Mio Maddino at Glen Mark Lino nang nagawi sila sa malalim na bahagi ng tubig at lumubog sa Brgy Ammueg, Ambaguio.?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang totoy ang nasawi sa magkahiwalay na kaso ng pagkalunod sa mga bayan ng Ambaguio at Quezon sa Nueva Vizcaya kamakalawa.

Sa report, kasamang nagtatampisaw sa ilog ang biktimang si Armak Manawit, 8-anyos ang mga kalaro na sina Efren Naddig, Mark Paul Bugtong, Mio Maddino at Glen Mark Lino nang nagawi sila sa malalim na bahagi ng tubig at lumubog sa Brgy Ammueg, Ambaguio.?

Nagawang sagipin ni Lino ang tatlong kaibigan na sina Naddig, Bugtong at Maddino habang tuluyang tinangay ng agos si Manawit.?Patuloy na hinahanap ang nawawalang si Manawit. ?Sa bayan ng Quezon, naiwang naglalarong mag-isa sa ilog ang 2-anyos na si Alvin Guillermo sa picnic ng mga kaanak sa Brgy. Aurora nang magawi siya sa malalim na bahagi ng tubig. Bagama’t naiahon ng isang kaanak ang bata, idineklara siyang patay nang isugod sa Veterans Regional Hospital.

vuukle comment

DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with