^

Probinsiya

Manager ng paper mill todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Manager ng paper mill todas sa ambush
Dead-on-the-spot ang biktima na si Ronald Parico, 48-anyos, manager ng Bataan 20/20 Paper Mill na nakabase sa bayan ng Samal dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang manager ng paper mill company makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa naganap na ambush sa Brgy. Sapa, Samal, Bataan kahapon ng umaga.

 Dead-on-the-spot ang biktima na si Ronald Parico, 48-anyos, manager ng Bataan 20/20 Paper Mill na nakabase sa bayan ng Samal dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Sa inisyal na ulat ni P/Sr. Insp. Victor Corpuz hepe ng Samal Municipal Police Station (MPS), bandang alas-6 ng umaga habang lulan ng kanyang behikulo ang biktima papasok sa trabaho nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki pagsapit sa highway ng nasabing barangay.

Napuruhan ang biktima sa ulo, dibdib at iba pang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa kanyang buhay.

Bago ito, marami umanong tinanggal sa trabaho na mga manggagawa ang biktima na kabilang sa sinisilip na motibo ng pamamaslang.   

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with