^

Probinsiya

NPA ambush: 3 pulis utas

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
NPA ambush: 3 pulis utas
Kinilala ang mga napatay na pulis na sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza at PO1 Ralph Jason Vida.
Boy Santos

Target na FDA director, ligtas

MANILA, Philippines — Tatlong alagad ng batas ang nagbuwis ng kanilang buhay habang tatlo sa mga kasamahan nila ang suga­tan nang tambangan ang convoy ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno ng nasa 20 armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa highway ng Brgy. Napolidan, Lupi, Camarines Sur nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na pulis na sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza at PO1 Ralph Jason Vida.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang pulis na sina PO1 Jonathan Perillo, PO1 Ruby Buena at PO1 Rodolo Gonzaga, pawang miyembro ng Camarines Sur Provincial Police Office (PPO).

Masuwerte namang nakaligtas si Puno na nakasakay sa ibang behikulo sa nasabing convoy na pinaniniwalaang tunay na target ng nasabing ambush.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, dakong alas-9:10 ng umaga, habang bumabagtas sa naturang lugar ang convoy para escortan si Puno patungong Daet, Camarines Norte nang pagsapit sa isang lugar ay agad na pinaulanan ng bala ang sinasakyang PNP vehicle ng mga biktima ng mga nakaposisyon nang mga rebelde na ikinasawi ng tatlong pulis at ikinasugat ng 3 pa nilang kasamahan habang mapalad namang nakaligtas si Puno.

Nagsasagawa na nga­yon ng hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng Philippine Army at ng pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pana­nambang.

vuukle comment

CAMARINES SUR AMBUSH

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with