^

Probinsiya

Trike vs Van: 3 patay, 1 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Trike vs Van: 3 patay, 1 kritikal
Sa report ng pulisya, big­lang lumabas sa highway mula sa isang kalsada ang trike na minamaneho ni Jelson Andres, 36 kaya’t natumbok ito ng Hyundai Starex Van ni Victor Abarra, 47 dakong alas 8:30 ng gabi.

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi samantalang isa ang kritikal matapos salpukin ng rumaragasang van ang sinasakyan nilang traysikel sa national highway ng Brgy. Nemmatan, San Agustin, Isabela kamakalawa.

Sa report ng pulisya, big­lang lumabas sa highway mula sa isang kalsada ang trike na minamaneho ni Jelson Andres, 36 kaya’t natumbok ito ng Hyundai Starex Van ni Victor Abarra, 47 dakong alas 8:30 ng gabi.

Tumilapon at nagpagulung-gulong sa kalsada si Andres at mga pasahero nitong sina Romnick Mateo, Rolando Dulay at Sammy Vidad na itinakbo ng mga sumaklolo sa Prospero Bello Integrated Hospital sa kalapit bayan ng Jones.

Ayon sa report, tanging si Vidad lamang ang inilipat sa isang pagamutan sa Santiago City matapos malagutan ng hininga ang tatlo nitong kasamahan habang ginagamot.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with