Mister na nawawala, natagpuang patay
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na at nasa itim na garbage bag nang matagpuan ng mga residente ang isang 37-anyos na mister na tatlong araw nang nawawala sa kanilang lugar sa Purok-6,Brgy.Canaway sa bayan ng Malilipot, ng lalawigan kamakalawa.
Halos hindi na makilala dahil sa naagnas at inuuod na nang makita ang katawan ng biktimang si Carlos “Caloy” Bolo, ng Brgy. Panal, Tabaco City habang nakasilid sa isang garbage bag. Sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga nang makalanghap ng masangsang na amoy ang ilang residente mula sa madamong bahagi ng bulubunduking lugar ng barangay.
Gayunman, nang kanilang buksan ang garbage bag ay tumambad sa kanila ang naagnas na katawan ng biktima na pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar at itinapon lang sa kanilang barangay.
Isa sa tinututukang anggulo ng mga pulis na posibleng motibo ay ang malaking pagkakautang umano ng biktima.
- Latest