^

Probinsiya

Pamilya nakuryente: Misis natigok!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pamilya nakuryente: Misis natigok!
Sa report, napatid ng minamanehong cement mixer truck ni Eddie Fariñas, 60, ang nadaanang kable ng kuryente ng Cagayan Electric Cooperative at lumapag ang kabilang dulo ng live wire sa irrigation canal kung saan naglalaro ang batang si Aristotle Alilam, 12, na agad nangisay.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya ang sabay-sabay na nangisay dahil sa nalagot na kable ng kuryente na ikinasawi ng isang ginang sa Brgy. Sta. Rosa, Abulug, Cagayan noong Lunes.

Sa report, napatid ng minamanehong cement mixer truck ni Eddie Fariñas, 60, ang nadaanang kable ng kuryente ng Cagayan Electric Cooperative at lumapag ang kabilang dulo ng live wire sa irrigation canal kung saan naglalaro ang batang si Aristotle Alilam, 12, na agad nangisay.

Dahil dito, mabilis na sinaklolohan ang bata ng mga magulang nitong sina Ricardo, 27, at Vangie, 21, at lolo na si Romeo Alilam, 61, subalit maging sila ay nagsipagkisayan dahil sa malakas na boltahe ng kur­yente.

Agad na isinugod ng mga sumaklolo ang mag-anak sa Far North Luzon Hospital and Training Center sa kalapit bayan ng Luna, Apayao kung saan idineklarang patay si Vangie. ?Inaalam na ng pulisya ang kinaroroonan ng drayber ng mixer truck na umano’y hindi napansin ang pagkakalagot ng kable.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with