^

Probinsiya

3 holdaper con pusher todas sa shootout!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 holdaper con pusher todas sa shootout!
Kinilala ni P/Chief Supt. Villaflor Banawagan, hepe ng Antipolo City Police, ang mga napatay na suspek na sina Jhay Ar Despojo, alyas “Tisoy” at umano’y lider ng grupo; Darry Alvarado, alyas “Batik”, at isang alyas “Vincent”.
Edd Gumban/File

RIZAL, Philippines — Patay sa barilan ang tatlong sinasabing notorsyosong holdaper at pusher matapos umanong  manlaban sa mga awtoridad habang sinisilbihan ng warrant of arrest ang lider ng grupo sa kanilang “hideout” sa Barangay Cupang, Antipolo City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Villaflor Banawagan, hepe ng Antipolo City Police, ang mga napatay na suspek na sina Jhay Ar Despojo, alyas “Tisoy” at umano’y lider ng grupo; Darry Alvarado, alyas “Batik”, at isang alyas “Vincent”.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-6:45 ng umaga nang maganap ang engkuwentro sa pinagtataguan ng mga suspek sa Purok 3, Zone 6, ng nasabing barangay.

Habang sinislbihan ng joint operating team ng Regional Special Opera­tions Unit (RSOU-4A), Rizal Highway Patrol Group (HPG) at Antipolo City Police si Dispojo ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 29 at 32, si Despojo dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms nang manlaban umano at mga kasama na nauwi sa engkwentro na kanilang ikinabulagta.

Narekober sa lugar ang iba’t ibang uri ng armas at mga bala, mga explosive device, tatlong motorsiklo at isang Toyota Revo, na hinihinalang pawang mga nakaw, ilang sachet ng droga at iba’t-ibang  drug paraphernalia.

Ayon kay Banawagan, ang grupo ay notoryoso sa Antipolo City dahil sa pagkakasangkot sa umano’y robbery hold-up at  pagtutulak ng illegal na droga. 

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with