^

Probinsiya

Bumbay bulagta sa kabaro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bumbay bulagta sa kabaro
Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Kudeep Singh Gill, 33, ng Dona Maria Subdivision, Brgy. Tagas, Daraga. Hindi nakilala ang tumakas na suspek lulan ng motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

LEGASPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa tabi ng kalsada ang isang Bumbay matapos barilin ng pinaniniwalaang kabaro nito sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Fidel Surtida, Sto. Domingo, ng lalawigan noong Linggo ng hapon.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Kudeep Singh Gill, 33, ng Dona Maria Subdivision, Brgy. Tagas, Daraga. Hindi nakilala ang tumakas na suspek lulan ng motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon, nakita ng ilang saksi na may kausap at parang nagtatalo ang biktimang si Kudeep at  suspek na mukha ring Indian. Gayunman, ilang sandali ay nakitang pinagbabaril ng suspek ang biktima na agad tumimbuwang sa tabi ng kalsada. Sinubukan pa ng mga saksi at pulis na isugod sa Albay Doctor’s Hospital pero idineklarang patay.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with