^

Probinsiya

2 mister dedo, 3 grabe sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 mister dedo, 3 grabe sa road mishap
Samantala, sa Brgy. Lanao, nasawi si Roy Carnate, 52, habang sugatan si Raffy Jacinto, 22, matapos na magsalpukan ang kani-kanilang sinasakyang motorsiklo.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Dalawang mister ang sumalubong kay kamatayan habang tatlo pa ang malubha sa magkahiwalay na aksidente sa Bangui, Ilocos Norte noong Sabado. Namatay ang obrerong si Raymark Isod, 21, matapos na tumalon mula sa sinasakyang truck na nawalan ng preno saka sumalpok sa isang poste sa palikong bahagi ng kalsada sa Barangay Baruyen. Sa ulat, sugatang isinugod sa Bangui District Hospital ang drayber ng truck na si Joseph Ongcol, 46, at isa pang obrero na si Roel Martin matapos ang sakuna.

Samantala, sa Brgy. Lanao, nasawi si Roy Carnate, 52, habang sugatan si Raffy Jacinto, 22,  matapos na magsalpukan ang kani-kanilang sinasakyang motorsiklo. Kapwa isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang dalawa subalit nalagutan ng hininga habang ginagamot si Carnate.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with