^

Probinsiya

Mister sinaksak ng ‘stalker’ ni misis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister sinaksak ng �stalker� ni misis
Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, habang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang kanyang misis nang kumahol ang kanilang aso. Dahil sa walang tigil na pagkahol, lumabas ng bahay si Nacional para alamin kung bakit maingay ang kanilang aso. Gayunman, mula sa dilim ay biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek at mabilis siyang sinaksak sa likod.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Isang 45-anyos na mister ang nasa malubhang kalagayan matapos na saksakin ng umano’y manliligaw at “stalker” ng kanyang misis sa harap mismo ng kanilang bahay sa Purok-4, Brgy. Banao, bayan ng Guinobatan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Manuel Oraye Nacional habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Nestor Oro Jr., 37-anyos, binata, pedicab driver at residente ng Brgy. Tagpo, Ligao City.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, habang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang kanyang misis nang kumahol ang kanilang aso. Dahil sa walang tigil na pagkahol, lumabas ng bahay si Nacional para alamin kung bakit maingay ang kanilang aso. Gayunman, mula sa dilim ay biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek at mabilis siyang sinaksak sa likod.

Nagsisigaw naman ng tulong ang asawa ng biktima na si “Nena” kaya naalarma ang suspek at kumaripas ng takbo.

Isinugod ng mga residente ang biktima sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City pero dahil sa maselang kalagayan mula sa tinamong malalim na sugat sa likod ay inilipat siya sa Bicol Regional and Training Hospital.

Sa imbestigasyon, inamin ni Nena na matagal nang nanliligaw at stalker niya ang suspek at kahit saan siya pumunta ay laging nakasunod. Pinakahuli umanong bumuntot sa kanya si Oro ay dakong alas-2 ng hapon ng nasabi ring araw nang lumabas umano siya ng bahay at dahil hindi niya sinasagot habang kinakausap ay nagbanta ang una na papatayin nito ang kanyang mister.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with