3 timbog sa P.7-M shabu
BACOOR, Cavite , Philippines — Arestado ang tatlong sinasabing bigtime na ‘pusher’ ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad at makumpiskahan ng mahigit sa kalahating milyong halaga ng droga sa Brgy. Zapote, kamakalawa ng gabi. Tumataginting na P717, 468.00 halaga ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na sina Archie Saliba, 25; Jhon-Jhon del Rosario, 18; at Ana Clarisse Gilos, 26; pawang mga nakatira sa Sitio Thailand Longos, ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ng Bacoor City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek. Nakumpiska sa mga ito ang 8 piraso ng selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 105.51 gramo at nagkakahalaga ng Php 717,468.00.
- Latest