^

Probinsiya

Mag-live-in, 15 pa timbog sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mag-live-in, 15 pa timbog sa drug ops
Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, dakong alas-6:00 ng gabi nang ikasa ng Drug Enforcement Unit ng lungsod ang anti-drug operation dahil sa tip mula sa isang residente sa Sarmiento Subdivision, Brgy. Minuyan 3 na labas-pasok ang mga tao sa bahay ng maglive-in partner.

BULACAN  , Philippines  —  Kalaboso ang 17 katao kabilang ang mag-live-in partner na sinasabing hindi tumitigil sa pagtutulak ng droga at ginagawang drug den ang kanilang bahay sa isinagawang drug bust operation sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Minuyan 3, San Jose Del Monte City, Miyerkules ng gabi.

Agad na sinampahan ng mga kaukulang kaso ang mga suspek sa pagtutulak ng droga na sina Edwin Avellanosa, 47; live-in partner nitong si Rosalyn Pioroda,45; habang ang mga naaktuhan umanong bumabatak ng droga sa lugar ay sina Gina Sarmiento, Tommy Montano, Efren Abalos, Allan Durian,Voltaire Christopher Cal, Manuel Elustricimo, Jhimark Siagan, Roberto Marin, Warlito Fernandez, Anjo Obeya, Rowena San Pedro, Lomalio Cristobal, Pedro Catacutan, Romeo Villanueva at Alpiano Sarmiento; pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, dakong alas-6:00 ng gabi nang ikasa ng Drug Enforcement Unit ng lungsod ang anti-drug operation dahil sa tip mula sa isang residente sa Sarmiento Subdivision, Brgy. Minuyan 3 na labas-pasok ang mga tao sa bahay ng maglive-in partner.  

vuukle comment

ARRESTED

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with