^

Probinsiya

Jeep bumaliktad 1 patay, 15 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jeep bumaliktad 1 patay, 15 sugatan
Lahat naman ng 15 pasahero kasama na ang driver ng jeep na si Ricardo Ramos na nagtamo ng mga galos at sugat sa katawan ay pinauwi makaraang mabigyan ng gamot.
File

MANILA, Philippines — Isang pasahero ang nasawi habang 15 ang suga­tan matapos bumaliktad ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa kahabaan ng highway ng Brgy. Sagrada sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng hapon.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Elevita Delos Angeles Manuel, 64, residente ng Brgy. Badian sa bayan ng Oas.

Lahat naman ng 15 pasahero kasama na ang driver ng jeep na si Ricardo Ramos na nagtamo ng mga galos at sugat sa katawan ay pinauwi makaraang mabigyan ng gamot.

Sa ulat, dakong alas-2:10 ng hapon, binabaybay ng jeep (EVN-981) na minamaneho ni Ramos ang kahabaan ng highway nang biglang mawalan ng preno dahilan upang mawalan na rin ng kontrol sa manibela at tuluyang bumaliktad sa kalsada ang sasakyan.

Agad namang sinaklolohan ng mga residente ang lahat ng mga sugatan at isinugod sa ospital kung saan nasawi si Manuel.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with