^

Probinsiya

5 PDEA agents bulagta sa ambush

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
5 PDEA agents bulagta sa ambush
Dead-on-arrival sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City ang mga biktimang sina PDEA agents Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipplla. Binawian naman ng buhay habang ginagamot si Diobel Pacinio.

MANILA, Philippines — Bulagta ang limang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang dalawa pa ang nasugatan makaraang paulanan ng bala ng mga armadong kalala­kihan na sinasabing mga tauhan ng isang drug syndicate ang sinasakyan nilang van sa naganap na ambush sa highway sa Brgy. Maina, Kapai, Lanao del Sur nitong Biyernes ng tanghali.

Dead-on-arrival sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City ang mga biktimang sina PDEA agents Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipplla. Binawian naman ng buhay habang ginagamot si Diobel Pacinio.

Patuloy namang ginagamot ang sugatang sina Rachel Gentapangan at Non-Uniformed Personnel (NUP) Normina Dicay.

Sa ulat, sinabi ni Sr. Inspector Jemar delos Santos, tagapagsalita ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM), naitala ang pananam­bang pasado alas-12:00 ng tanghali sa nabanggit na lugar, habang bumabagtas ang kulay puting Toyota van na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar nang tambangan ng mga armadong suspek.

Nabatid na pauwi na ang mga biktima na galing sa isang programa para sa mga drug surrenderee sa bayan ng Tagaloan sa lalawigang ito nang harangin at bistayin ng bala ng mga salarin pagsapit sa lugar.

Pinaniniwalaang mga tauhan ng isang drug syndicate ang nasa likod ng pana­nam­bang habang hindi naman isinasantabi na posibleng kagagawan ito ng mga teroristang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

vuukle comment

CRIME

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with