^

Probinsiya

Bulacan drug ops: 3 utas, ex-cop at 16 pa huli

Joy Cantos, Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulacan drug ops: 3 utas, ex-cop at 16 pa huli
Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, nakilala lamang sa mga alyas na Ka Deo at Euguene ang mga napatay habang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.
File Photo

MANILA, Philippines — Umiskor ang anti-drug operatives matapos na mapaslang ang tatlong pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga habang arestado ang 17 pang katao kabilang ang isang retiradong pulis na high value target (HVT) sa isinagawang serye ng operasyon sa Bulacan kamakalawa.

 Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO)  Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, nakilala lamang sa mga alyas na Ka Deo at Euguene ang mga napatay habang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

 Bandang alas-3:45 ng hapon nang magsa­gawa ng operasyon ang pulisya sa Municipal Road, Brgy. Capihan, San Rafael laban kay alyas Deo.

 Gayunman, kumasa umano si Deo nang matunugang undercover agent ang kanyang ka-transaksyon sa bentahan ng shabu na nagresulta ng shootout na siya nitong ikinamatay.

Bandang alas-8:30 ng gabi naman nang magsagawa ng buy-bust operation sa Pi­nagkuartelan, Pandi, Bulacan at napatay sa barilan nang manlaban sa mga pulis si Eugene at kasama nito.

Narekober sa operasyon kay Deo ang  11 plastic sachet ng shabu, isang cal. 45 pistol, mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 9mm, buy-bust money at iba pa, isang kulay pulang Honda TMX 125 motorcycle na walang plaka at iba pa.

 Nakuha naman kina Eugene at kasamahan nito ang 9 na plastic sachet ng shabu, dalawang cal. 38 revolver, anim na cartridge  ng caliber 9 mm, isang Honda tricycle at mga drug pa-raphernalias.

 Samantala, arestado sa mga sumunod na operasyon dakong alas-10 ng gabi sa Brgy. Bayugo, Meycauayan ang 17 pang drug suspect kabilang ang dating pulis na si Rogaciano Geronimo alyas Roning na umano’y talamak na tulak ng droga.  Nakumpiska mula sa mga suspek ang 43 plastic sachet ng shabu, Armscor caliber 45 pistol na may walong bala at mga  drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with