^

Probinsiya

12-anyos stude nilamon ng ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang paliligo sa ilog ng isang 12-anyos na estudyanteng lalaki makaraang aksidenteng malunod habang kasama ang kanyang mga kaibigan sa Brgy. Poblacion, Bontoc, Mountain Province kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Dexter Afali, residente ng Brgy. Bondoc III, Bontoc, Mountain Province.

Sa ulat ng Cordillera Police, naitala ang krimen sa Chico River, Sitio Eyeb, Brgy. Poblacion, Bontoc ng lalawigang ito bandang alas-5:20 ng hapon.

Sa imbestigasyon, ang biktima at mga kaibigan nito ay nagkayayaang maligo sa nasabing ilog. Gayunman, napagawi sa malalim na bahagi ng ilog ang bata kung saan tuluyan siyang tinangay ng malakas na agos at lamunin ng ilog.

Nabigo naman ang mga kaibigan ng biktima na masagip ito dahilan sa bilis ng pangyayari.

Narekober ng rescue team na abala sa flood control project ang katawan ng biktima na bagaman nagawa pang maisugod da Bontoc General Hospital ay idineklara nang dead-on-arrival.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with