^

Probinsiya

2 parak nagduwelo sa GRO: OFW dedo!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 parak nagduwelo sa GRO:  OFW dedo!
Sa ulat, agad na nasawi ang OFW na si Edward Opiña dahil sa tama ng punglo sa katawan.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Pinag­lalamayan ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na madamay sa duwelo ng isang opisyal at ba­gitong miyembro ng Philippine National Police na kapwa sugatan dahil sa umano’y pinag-awayang guest relation’s officer (GRO) habang nag-iinuman sa loob ng isang KTV bar sa Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan kamakalawa ng mada­ling-araw.?

Sa ulat, agad na nasawi ang OFW na si Edward Opiña dahil sa tama ng punglo sa katawan.

Kinilala naman ni Chief Insp. Ramon Macarubbo, hepe ng Lal-lo Police nagduwelong sina Sr. Insp. Jeffrey Equuizabal, nakatalaga sa Regional Office 2 ng lungsod na ito at si PO1 Mike Sosa,  kasapi ng Gonzaga Police na kapwa sugatan sa insidente. ?

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling araw nang umano’y magwala si Opiña na kasama ni Equui­zabal dahil sa walang gustong tumeybol na GRO sa kanya sanhi ng kalasingan nito.? Dahil dito, sumawsaw sa komosyon si PO1 Mike Sosa sa naroon din sa Maldita KTV na pag-aari ni Paquito Diaz hanggang sa mauwi sa pagtatalo at barilan ng dalawang pulis. Dahil dito, mabilis na nagpulasan ang mga kustomer sa bahay aliwan hanggang sa tumambad ang nakabulagtang si Opiña sa sahig na duguan at patay na nang mahawi ang usok ng putukan.?

Anim na basyo ng bala ng cal. 9mm ang nasamsam sa crime scene matapos ang insidente.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with