^

Probinsiya

9 tiklo sa Cavite buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
9 tiklo sa Cavite buy-bust
Nasa larawan ang siyam na drug suspects na naaresto ng Bacoor City Police sa isinagawang drug operation sa Brgy. Zapote 1 at Talaba 4 kamakalawa ng gabi kung saan nasa halos P100-libong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa kanila.
(Kuha ni Cristina Timbang)

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang siyam na drug suspects habang tinatayang nasa P100-libong halaga naman ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Bacoor City Police sa isinagawang drug operation sa Brgy. Zapote 1 at Talaba 4 kamakalawa ng gabi.

Humihimas na sa rehas ang mga suspek na sina Mark Jayson del Rosario, 25; Rommel Orquita, 35; Louie Mendoza, 41; Edrian Damayo, 29; Cesar Eusebio II, 36; Violeta Oronos, 45; Mary Jane Arias, 52; Shane Frances Gloria, 23; Jam Gregoria, 29 taong gulang.

Sa ulat ng pulisya, sinimulan nila ang operasyon ganap na alas-6:30 sa Brgy. Zapote 1, kung saan pito ang naaresto rito.

Kasunod nito, nilusob din ng pulisya ang Brgy. Talaba 4 at dito naman naaresto ang dalawa pang suspek.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang nasa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100-libo at mga shabu paraphernalias.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with