^

Probinsiya

Hepe ng Midsayap, Gensan sibak!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng Midsayap, Gensan sibak!
Inianunsyo ni Alba­yalde sa ginanap na flag raising sa Camp Crame ang pagsibak sa dalawang hepe kaugnay sa pagsabog sa nasabing mga lugar.

Sa magkasunod na pambobomba

MANILA, Philippines — Sinibak kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Alba­yal­de ang hepe ng Midsa­yap, North Cotabato at Station 2 Commander ng General Santos City Police sa South Cotabato matapos ang magkasunod na insidente ng pambobomba na ikinasawi ng isa katao habang pito pa ang nasugatan noong Linggo. 

 Inianunsyo ni Alba­yalde sa ginanap na flag raising sa Camp Crame ang pagsibak sa dalawang hepe kaugnay sa pagsabog sa nasabing mga lugar.

 Kinilala ang mga sinibak na opisyal na sina Supt. Samuel Cadungon, hepe ng Midsayap Police at General Santos City Police Station 2 Commander P/Chief Inspector Patrich Elma. 

Si Cadungon ay pinalitan ni Supt. Joan Maganto habang humalili naman kay Elma si Sr. Ins­pector David Dulawan.

Sa update sa pagsabog sa Brgy. Apopong, General Santos City kamakalawa, isa na ang nasawi at walo pa ang nasugatan malapit sa pagsabog sa labas ng Prince Internet Café sa kahabaan ng Valdez Street sa Brgy. Kalawag 2 bandang-11:40 ng tang­hali. Nasundan pa ng isang pagsabog sa Theresa’s Place Videoke Bar Brgy. Poblacion 4, Midsayap, North Cotabato kamakalawa dakong alas-7:10 ng gabi na bagama’t walang nasugatan sa insidente ay lumikha ito ng matin­ding alarma sa mga sibilyan.

Sinabi ni Albayalde na isa ang grupo ng Abu Turaife sa paksyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at tatlong iba pang lokal na teroristang grupo ang tinitingnan na nasa likod ng magkasunod na pambobomba.

Ayon naman kay Joint Task Force Central Commander, Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ang Daesh inspired Abu Turaife Group ang responsable sa nasabing pag-atake sa Midsayap at tinawag nito “peace spoilers” ang mga terorista na naghahasik ng karahasan sa iba’t-ibang mga lugar sa Mindanao. 

vuukle comment

BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with