^

Probinsiya

Rider lasog, angkas sugatan sa trak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang isang 25-anyos na babaeng rider habang nasugatan ang angkas nito matapos silang mabangga habang lulan ng motorsiklo at magulungan ng wing van truck sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone 6, Brgy. Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Carolina Infirmary Hospital ang biktimang si Claire Cepe habang bahagyang sugat lang ang tinamo ng kanyang angkas na si Jericho Afable, pawang ng Brgy. Caroyroyan, Pili.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng highway nang banggain sila ng truck (RLC-951) na minamaneho ni Randy Bonayog, 47, ng Commonwealth Avenue, Quezon City. Sa lakas ng bangga, pumailalim pa at nagulungan ng trak ang motorsiklo at ang rider habang konting galos ang inabot ng angkas. Sumuko naman sa Naga City Police ang driver ng nakasagasang trak.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with