^

Probinsiya

Drug ops: 6 tiklo sa P2-M shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Drug ops: 6 tiklo sa P2-M shabu
Sa ulat, isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nakipag-deal sa mga suspek na bibili ng 1.5 gramo ng shabu sa ha­lagang P10,200.

CAVITE  , Philippines  —  Anim na ka­tao kabilang ang dalawang empleyado ang naaresto matapos na mahulihan ng bultong shabu na nakabalot sa mga plastic na nagkakahalaga sa halos 2 mil­yong piso sa isinagawang buy-bust operation ng Bacoor Drug Enforcement Unit at PDEA-Cavite sa Green Valley, Mesena Compd., Brgy. Molino 3, Bacoor City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Vicente Saspa Cabatingan, OIC ng Bacoor Police ang mga naarestong suspek na sina Luzviminda Barrameda alias Luz, 36-anyos, vendor;  Olive Barrameda alias Olive, 19-anyos; Ma. Ma­diline Gemino alias Madel, 44-anyos, online seller, Gerardo Quinton alias Narding, 49-anyos,  CENRO employee;  Ariston Menez alias Allan, 42, CENRO employee, at Romeo Menez alias Dodong, 41, construction worker, pawang mga residente ng Green Valley, Mesena Compd., Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nakipag-deal sa mga suspek na bibili ng 1.5 gramo ng shabu sa ha­lagang  P10,200.

Ang tatlong suspek na babae ang magkakasamang nakipag-deal sa buyer at nang magpositibo ay dito na sila dinakma ng mga awtoridad habang ang tatlo pang suspek ang nagsilbi umanong mga lookout sa labas at loob ng lugar.

Unang nakuha sa mga suspek ang may  226.9 gramo ng shabu na nasa P1,542,920 at  isa pang maliit na plastic container na may shabu na tumitimbang ng 63.4 gramo at nasa P431,120.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with