^

Probinsiya

Parak tigok sa motorbike crash

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Parak tigok sa motorbike crash
Naisugod pa sa Ziga District Memorial District Hospital sa Tabaco City pero idineklarang patay ang biktimang si PO1 Fernando Callada Jr., residente ng Brgy. Libod, nasabing bayan.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang bagitong pulis matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa konkretong poste ng kuryente sa panulukan ng Brgy. Balza at Brgy. Cabunturan sa bayan ng Malinao, ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Naisugod pa sa Ziga District Memorial District Hospital sa Tabaco City pero idineklarang patay ang biktimang si PO1 Fernando Callada Jr., residente ng Brgy. Libod, nasabing bayan.

Ayon kay Sr. Insp. Mayvelle Gonzales, tagapagsalita ng Albay Police, dakong alas-12:38 ng mada­ling araw, binabagtas ng motorsiklo (EC-73427) ng biktima ang highway mula sa bayan ng Tiwi patungong Tabaco City nang mapunta sa kabilang linya at bumangga sa poste ng kuryente. Sa lakas ng bangga, tumilapon pa ang pulis sa palayan sa tabi ng highway. Agad naman siyang sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa ospital pero ‘di na umabot nang buhay. Posible umanong nakaidlip ang biktima habang nagmamaneho.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with