^

Probinsiya

Ninja cop na lider ng criminal group, utas!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ninja cop na lider ng criminal group, utas!
Kinilala ang suspek na si PO1 Rommil Barcellano alyas “Banjo” ng Tajimia Economy Suites na mata­tagpuan sa Osita Block 2, Brgy Zone 2, Koronadal City, South Cotabato at nakatalaga sa PIB, South Cotabato Police Provincial Office.

MANILA, Philippines — Patay ang isang tinawag na ‘Ninja’ cop dahil sa pagre-recycle ng illegal drugs at tumatayo ring lider ng isang kilabot na grupong kriminal matapos umanong kumasa sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si PO1 Rommil Barcellano alyas “Banjo” ng Tajimia Economy Suites na mata­tagpuan sa  Osita Block  2, Brgy Zone 2, Koronadal  City, South Cotabato at nakatalaga sa PIB, South Cotabato Police Provincial Office.

Sa ulat ni Supt. Joel Estaris ng PNP- Special Action Force, dakong alas-7:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation laban kay Barcellano. Pero, sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang suspek kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Ang suspek ang sinasabing lider ng notoryus na “Banjo Barcellano Group” na sangkot sa mga illegal na aktibidad tulad ng pagre-recycle ng shabu, carnapping, akyat-bahay at gun-for-hire.

Bukod dito, nasa PNP watchlist umano si PO1 Barcellano dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Narekober naman mula sa suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang kalibre 45 baril, mga bala, cellphone at cash.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with