^

Probinsiya

2 establisimyento ni Peter Lim hinagisan ng eksplosibo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang establisimyento ng negosyante at pinararatangang drug lord na si Peter Lim ang hina­gisan ng pampasabog ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan sa lungsod ng Cebu kamakalawa.

 Si Lim ay isa nang pugante ng batas matapos na magtago pagkaraang maglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court  (RTC) sa kasong umano’y pakikipagsabwatan nito sa illegal drug trade.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw nang hagisan ng eskplosibo ang Chuva-Chuva Massage and Spa, at KTV bar ni Lim na matatagpuan sa Tres Borces Streest, Brgy. Mabolo ng lungsod.

Ayon sa guwardya, isang motorsiklo lulan ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang nakitang umaaligid sa lugar. Ilang saglit pa, bigla na lamang nag­hagis ng eksplosibo ang mga suspek na lumikha ng malakas na pagsabog at puminsala sa massage parlor at saka mabilis na nagsitakas ang dalawang lalaki.

Matapos ang isang oras, sumunod na hina­gisan ng eksplosibo ang KTV bar na matatagpuan sa Archbishop Reyes Avenue sa Brgy. Kamputhaw pero nabigo itong sumabog. Ang sangkap ng pampasabog ay 1.5 litrong soda na nakalagay sa bote na may pulbos na puti.

vuukle comment

PETER LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with