^

Probinsiya

9 timbog sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang apat na umano’y tulak at limang bumabatak ng shabu matapos ang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa dalawang lugar sa Brgy.Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Sabado ng madaling araw.

Ang mga naaresto ay sina Marissa Mendoza, 52; Eddie Cañete, 68; Diane Gomez, 45; Ronnie Seguerra, 30; Jaen Anthony Dapitan,19; Lina Bayadas, 48, habang nasa DSWD ang tatlong menor-de-edad.

Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, unang isinagawa ang operasyon dakong ala-1:00 ng madaling araw sa bahay nina Mendoza at Cañete sa Towerville 6, Brgy. Gaya-Gaya at habang inaabot ng dalawang suspek ang binebentang shabu sa poseur buyer na pulis ay dito na sila inaresto habang naaktuhan naman ang tatlong menor-de-edad na nagpa-pot session sa loob ng bahay ng mga suspek. Isinunod ng Drug Enforcement Unit ang operasyon sa bahay nina Gomez at Seguerra sa lugar at nang matanggap na ang marked money ay dito na sila inaresto.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with