^

Probinsiya

‘Tulak’ timbog sa P3.4-M shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� timbog sa P3.4-M shabu
Kinilala ng Antipolo City Police ang nasakoteng suspek na si Emilio Dugan Jr., nasa hustong gulang.

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga makaraang makumpiskahan ng mga otoridad ng P3.4-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanya sa Antipolo City, kamakalawa.

Kinilala ng Antipolo City Police ang nasakoteng suspek na si Emilio Dugan Jr., nasa hustong gulang.

Dakong alas-6:30 ng gabi nang dakipin ng mga pulis si Dugan matapos na makumpiskahan ng isang abuhing sling bag na may lamang tatlong transparent plastic ice bag na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na kalahating kilo at may estimated street value na P3.4 milyon, isang P1,000 marked money, na nakalagay sa ibabaw ng boodle money, at isang unit ng kulay orange na cellular phone.

Ang suspek ay nakakulong na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with