^

Probinsiya

Habal-habal vs dump truck, Misis utas

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Habal-habal vs dump truck, Misis utas
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Suraida Taya Bada habang sugatan naman si Aladin Usman, 26-anyos kapwa residente ng Brgy. Pamalian.

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 56-anyos na ginang habang malubhang nasugatan ang habal-habal drayber matapos na masangkot sa isang aksidente na naganap mismo sa harap ng municipal plaza sa Brgy. Fort Pikit sa bayan ng Pikit, North Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Suraida Taya Bada habang sugatan naman si Aladin Usman, 26-anyos kapwa residente ng Brgy. Pamalian.

Batay sa imbestigasyon ng Pikit PNP, dakong alas-2:00 ng hapon habang sakay ang dalawa ng habal-habal nang pagdating sa nabanggit na lugar ay nasalpok sila ng isang kulay puti na dump truck na minamaneho ni Ting Lapaguyan Abdul, 39-anyos.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima na ikinasawi ni Bada at malubhang ikinasugat naman ni Usman.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang driver ng trak na mabilis na tumakas matapos ang insidente.  

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with