^

Probinsiya

Pamilya niratrat, 83-anyos lolo nag-suicide!

Joy Cantos, Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamilya niratrat, 83-anyos lolo nag-suicide!
Dahil sa umano’y matinding pagseselos sa dalawang pari at isa pang miyembro ng Simbahan, pinagbabaril ng isang 83-anyos na lolo ang sariling misis, anak at manugang bago siya nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa bunganga sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Gatbuca, Calumpit, ng lalawigan kahapon ng madaling araw.

Nagselos sa mga pari…

BULACAN, Philippines — Dahil sa umano’y matinding pagseselos sa dalawang pari at isa pang miyembro ng Simbahan, pinagbabaril ng isang 83-anyos na lolo ang sariling misis, anak at manugang bago siya nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa bunganga sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Gatbuca, Calumpit, ng lalawigan kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay si Ludivico De Guzman sa Sta. Cruz Hospital bunsod ng tama ng punglo sa bunganga habang nasa maselang kalagayan ang misis nito na si Adelaida De Guzman, 73; anak na si Jannette Gomez-De Guzman, 50, at manugang na si Myrna Lubao-Capinpin, nasa hustong gulang at pawang mga residente ng Brgy. Gatbuca sa naturang bayan matapos na tamaan ng bala sa kanilang mga binti at hita.

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw nang mag-antay ang suspek sa pag-uwi ng asawang si Adelaida kasama ang kanilang anak at manugang mula sa kanilang simbahan. Pero nang magsidatingan na, dito na kinompronta ng lolong padre de pamilya ang asawa hanggang sa mauwi sa kanilang mainitang pagtatalo. Bigla na lamang umanong binunot ng matandang lalaki ang kanyang baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang misis, anak at manugang.

Nang makitang duguan ang tatlo, mabilis na nagpunta sa kabilang kuwarto si Ludivico at saka itinutok ang dalang baril sa kanyang bu­nganga at kinalabit ang gatilyo na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan. Natagpuan sa tabi ni Ludivico ang isang .38 revolver at mga basyo ng bala.

Ayon sa sugatang ginang, kinompronta siya ng mister at pinagbibintangang may namumuong relasyon sa dalawang pari at isa pang miyembro ng kanilang Simbahan na mariin namang itinanggi ng lola. Nang hindi umano siya mapaamin, dito na siya binaril  ng mister at idinamay pa ang kanilang kanilang anak at manugang.

vuukle comment

FAMILY MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with