^

Probinsiya

Rider salpok sa barrier, inararo pa ng trak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Rider salpok sa barrier, inararo pa ng trak
Sa ulat na tinanggap ni S/Supt.Romulo Allbacea, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay sakay ang biktima sa kanyang Rusi motorcyle nang bumangga ito sa concrete barrier.

LUCENA CITY  , Philippines  —  Dobleng kamalasan ang inabot ng isang motorcycle rider makaraang sumalpok sa concrete barrier ay nasagasaan pa ng trak sa Maharlika highway, Eco tourism Rotonda, Barangay Isabang kamakalawa ng madaling àraw.  Dead-on-the-spot sanhi ng matinding kapinsalaan sa ulo at katawan ang biktimang si Gerardo Almendral, 44-anyos, ng Gibanga,Tayabas City. 

Sa ulat na tinanggap ni S/Supt.Romulo Allbacea, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay sakay ang biktima sa kanyang Rusi motorcyle nang bumangga ito sa concrete barrier. Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima patungo sa kalye at tiyempo namang paparating ang Bicol bound na six wheeler truck na minamaneho ni Roberto Logdat ng Marinduque at nasagasaan ito at nakaladkad pa ng ilang metro. 

vuukle comment

MOTORCYCLE RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with