^

Probinsiya

3 todas, 14 huli sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 todas, 14 huli sa drug bust
Kanilala lamang ang unang nasawi sa alyas “Val”, habang natukoy ang iba pang nasawi na sina Sonny Boy Fernandez, alyas Bordado, ng Brgy. Santisima Trinidad, Malolos City at Reynaldo Pontawe alyas Bojo, ng Brgy. Caniogan, nasabing ring siyudad.

BULACAN – , Philippines  —  Tatlong kalalakihan na sinasabing pawang mga notoryus na tulak ng shabu ang nasawi matapos na isa­gawa ng pulisya ang magkasunod na dalawang araw na drug bust operation sa mga bayan ng Bocaue at Malolos City habang labing apat naman na katao ang naaresto sa iba’t ibang bayan kamakalawa.

Kanilala lamang ang unang nasawi sa alyas “Val”, habang natukoy ang iba pang nasawi na sina Sonny Boy Fernandez, alyas Bordado, ng Brgy. Santisima Trinidad, Malolos City at Reynaldo Pontawe alyas Bojo, ng Brgy. Caniogan, nasabing ring siyudad.

Sa ulat ni P/Supt. Jo­wen Dela Cruz ng Bocaue Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation laban kay alyas Val sa madilim na bahagi ng Brgy. Igulot. Nakahalata ang suspek na pulis umano ang poseur buyer kung kaya bumunot ng armas na ginantihan ng mga pulis na nagresulta ng shootout at ikinabulagta ng suspek.

Samantala, natimbog ng Malolos City Police sa magkakasunod na operasyon sina alyas Bordado sa Brgy. Mojon at alyas Bojo sa isang lugar sa Brgy. Caniogan ngunit parehong nakahalata sa buy-bust operations ng pulisya na nagresulta sa madugong shootout na kapwa ikinasawi ng dalawa. Arestado naman ang 14 na katao sa isinagawang police operations sa mga bayan ng San Miguel, Pandi, San Jose Del Monte City, Calumpit, Guiguinto, Bustos, Plaridel, Balagtas, Baliwag at Santa Maria. Nasamsam sa mga operasyon ang isang improvised 12 gauge shotgun, dalawang .38 revolver, mga bala, isang motorsiklong Skygo na walang plaka, 65 pakete ng shabu, at drug paraphenalias. 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with