^

Probinsiya

Rider dedo, 3 sugatan!

Pilipino Star Ngayon
Rider dedo, 3 sugatan!

Sa pagtawid ng 62-anyos sa kalsada

INFANTA, Quezon  , Philippines  —    Patay ang isang motorcycle rider habang malubhang nasugatan ang kanyang dalawang backrider at isang lola na tumatawid lamang sa kalsada sakop ng Brgy. Banugao ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nabasag ang bungo at nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan ang rider na si Joselito Macaranas, ng Bulacan habang inoobserbahan sa ospital sa Laguna ang backriders niyang sina Jhay Jhay Gaspar, 22 at Mhielverth Francia, 19, pawang residente ng Bulacan. Sugatan din sa insidente ang 62-anyos na si Adena Opalonio ng Infanta, Quezon na tumatawid sa lugar.

Ayon sa pulisya, habang minamaneho ni Macaranas ang isang motorsiklo patungo sa direksyon ng Manila nang masalpok nito ang tumatawid na si Opalonio.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Macaranas hanggang sa nagpaikot-ikot sa kalye ang motorsiklo sanhi upang humampas ang mga ulo at katawan ng mga biktima kung saan napuruhan si Macaranas. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ACCIDENT

MOTORCYCLE RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with