^

Probinsiya

Mister hinoldap na, pinatay pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister hinoldap na, pinatay pa
Ang biktimang si Lorenzo Dolorosa Jr., nasa hustong gulang, may asawa ay hindi na umabot nang buhay sa hospital dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang naaresto ang suspek suspek na si Christopher Villarin, nasa hustong gulang, matapos na makilala ng isang testigo.

MANILA, Philippines — Matapos na holdapin, kinatay pa ng isang miyembro ng kilabot na robbery holdup gang ang isang mister na nanlaban sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Lorenzo Dolorosa Jr., nasa hustong gulang, may asawa ay hindi na umabot nang buhay sa hospital dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang naaresto ang suspek suspek na si Christopher Villarin, nasa hustong gulang, matapos na makilala ng isang testigo.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang tahanan sa harapan ng Classic Gown Barong shop sa A. Mabini Street, Brgy. Burgos nang lapitan ng suspek at nagdeklara ng holdap. Pumalag ang biktima at tumangging ibigay ang kanyang gamit, pera at cellphone sa suspek kung kaya siya pinagsasaksak.

Narekober sa suspek ang isang itim na iPhone 4 at iba pang gamit na positibong tinukoy ng maybahay ng biktima na pagma-may-ari ng kanyang asawa.

vuukle comment

CRIME

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with