^

Probinsiya

Kadamay vs Kadamay: Foreman todas, 3 sugatan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kadamay vs Kadamay: Foreman todas, 3 sugatan
Hindi na umabot pang buhay sa Rural Health Unit ang foreman na si Michael Capuz, 36, habang inoobserbahan sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang mga sugatan na sina Lorenzo Ofalsa Jr, 34, drayber; Cris Baguinaon, guro at Nimuel Capuz, 23, mananahi dahil sa tama ng bala sa katawan.

BULACAN  , Philippines  —  Nasawi ang isang foreman na miyembro ng grupong Kadamay habang tatlo pang miyembro nito ang sugatan matapos na pagbabarilin ng isa pang grupo ng Kadamay sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa Brgy. Mapulang Lupa, Pandi, Lunes ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Rural Health Unit ang foreman na si Michael Capuz, 36, habang inoobserbahan sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang mga sugatan na sina Lorenzo Ofalsa Jr, 34, drayber; Cris Baguinaon, guro at Nimuel Capuz, 23, mananahi dahil sa tama ng bala sa katawan. Arestado naman ang isa sa mga suspek na si Melanie Montifiero, 44, habang nakatakas ang iba pang suspek kabilang ang asawa ni Melanie na si Miguel, alyas Budoy Subalisid, kapatid nitong si Rico Subalisid at alyas Bibe Tosing.

Sa ulat ni P/CInsp. Manuel De Vera, dakong alas-11:30 ng gabi, nagpunta ang mga biktima kasama ang pangulo ng samahang Kadamay na si Apolinario Ocson sa bahay ni Montifiero upang komprontahin hinggil sa ginawang pagmumura sa mga barangay tanod na nagroronda sa lugar. Habang nag-uusap, biglang umeksena sa usapan si Miguel Montifiero saka sinabing “Ano ba ang problema ninyo?” na nauwi sa mainitang pagtatalo. Habang nagsisigawan, aksidenteng natabig ni Capuz ang nakahimpil na kariton saka tumama sa bakuran ng mga suspek sanhi upang sabihan ni Melanie ang asawang si Miguel na barilin ang mga biktima na agad namang niratrat ng huli.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with