^

Probinsiya

Selosang ginang, utas sa baril ng live-in partner na sundalo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Selosang ginang, utas sa baril  ng live-in partner na sundalo
Kinilala ang biktima na si Shaena Marie de Asis Fabroa ng Camp Allen sa lungsod ng Baguio.

Nag-away sa loob ng kampo

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng buhay ng isang 23-anyos na selosang ginang ang panunutok nito ng baril sa live-in partner na sundalo matapos na aksidenteng pumutok ang armas sa gitna ng pagpapambuno at mainitang pagtatalo ng dalawa sa loob ng Camp Allen, Baguio City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Shaena Marie de Asis Fabroa ng Camp Allen sa lungsod ng Baguio.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang live-in partner nito na si Technical Sgt. Louie Balanay, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Civil Relation Service (CRS) na nakabase sa nabanggit na kampo.

Sa report ng Cordillera Police, nangyari ang insidente sa loob ng tinutuluyang quarters ng nasabing sundalo sa Camp Allen bandang alas-9 ng umaga. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng maglive-in partner matapos akusahan ng nasabing babae ang live-in  partner nito na may ibang pamilya sa Tarlac. Kasalukuyang nagluluto ng agahan sa kusina ang nasabing sundalo nang tutukan siya ng cal. 45 pistol ng live-in partner bunsod upang magpambuno at mag-agawan sa baril ang dalawa. Gayunman, bigla na lamang umanong pumutok ang nasabing armas na sumapol sa ulo ng nasabing ginang na dead-on-the-spot sa insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with