^

Probinsiya

Ex-konsehal ng Cagayan nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Patay ang isang dating konsehal ng bayan ng Cagayan nang ratratin ng ‘di pa natutukoy na mga gunmen habang naglalakad sa Brgy. Pallua Sur sa lungsod na ito noong Linggo.  Sa report ng Tuguegarao City Police, hindi na nakaabot nang buhay sa ospital si dating Councilor June Cusipag, 44, ng Solana, Cagayan dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing mula sa kanyang bahay sa Cagelco Village ang biktima nang hintuan siya ng isang kulay abong Toyota Fortuner saka siya niratrat ng killer dakong alas 9:30 ng umaga. Ayon sa pulisya, wala sa kanilang drugs watchlist ang dating opisyal habang alitan sa lupa ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with