^

Probinsiya

‘Drug pusher’ todas sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
�Drug pusher� todas sa buy-bust
Napuruhan ng bala sa katawan at agad namatay ang suspek na kinilalang si Salvador Guerrero, residente ng Purok 6, Brgy. Anislag, nasabing bayan.

Legazpi City, Albay  , Philippines  —  Bulagta ang isang 38-anyos na tulak ng droga matapos umanong pumalag at makipagbarilan sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok 2, Brgy. Mayon, bayan ng Daraga noong Sabado ng umaga.

Napuruhan ng bala sa katawan at agad namatay ang suspek na kinilalang si Salvador Guerrero, residente ng Purok 6, Brgy. Anislag, nasabing bayan.

Sa ulat ng Daraga Police, dakong alas-6:40 ng gabi, kasama ang mga tauhan ng PDEA, Provincial Intelligence Branch, Mobile Force Batallion and Company sa pangunguna ni Senior Inspector Richelle Balute nang ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek.

Gayunman, nang magkaabutan umano ng droga at marked money ay nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon hanggang sa bumunot siya ng baril at pinutukan ang poseur buyer pero hindi tinamaan. Dito na gumanti ng putok ang back-up na operatiba dahilan para tumimbuwang ang suspek na sinubukan pang isugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang patay.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with