^

Probinsiya

Trader, helper todas sa pamamaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trader, helper todas sa pamamaril
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Arlyn Menguito, 37 taong gulang, residente sa lugar at helper nitong si Gilbert Tajanlangit.
File Photo

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang trader at ang helper nito makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armadong salarin sa pamilihang bayan ng Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Arlyn Menguito, 37 taong gulang, residente sa lugar at helper nitong si Gilbert Tajanlangit.

Ang dalawang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang dagliang kumitil sa kanilang buhay.

Sa report ng pulisya, pasado alas-7:00 ng gabi habang isinasara na ng negosyante ang kanilang puwesto sa pamilihang bayan nang biglang sumulpot ang isang armadong lalaki habang nagsilbi namang lookout ang kasamahan nito.

Bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang target na negosyante kung saan ipinalalagay na nadamay lamang ang helper nito.

Matapos makasigurong napuruhan ang target ay mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

vuukle comment

TRADER SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with