^

Probinsiya

Karnaper tumba sa parak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Karnaper tumba sa parak
Nakilala lamang ang suspek sa alyas na ‘Jojo’, nasa hustong gulang. Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw, kasalukuyan silang nagpapatrulya sa nasabing lugar nang masabat nila ang suspek na sakay ng isang itim na motor na walang plaka.

SILANG, Cavite, Philippines — Bumulagta ang isang sinasabing kilabot na karnaper makaraang masabat ng mga otoridad habang siya’y papatakas tangay ang kinarnap na motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Brgy. Pooc, Silang, Cavite.

Nakilala lamang ang suspek sa alyas na ‘Jojo’, nasa hustong gulang. Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw, kasalukuyan silang nagpapatrulya sa nasabing lugar nang masabat nila ang suspek na sakay ng isang itim na motor na walang plaka.

Lalapitan sana umano ng mga pulis ang suspek ngunit sinalubong sila nang sunud-sunod na putok na mabuti naman ay walang natamaan sa mga pulis. Dito na nagkaroon ng habulan at engkuwentro hanggang sa bumulagta ang suspek.

Narekober dito ang dalawang fired cartridges ng 9 mm, isang kalibre .38 baril, at ang itim na motor na hinihinalang kinarnap nito sa ‘di pa malamang biktima.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with