2 suspek sa rape slay timbog
BULACAN , Philippines — Dalawang lalaki kabilang ang isang 16-anyos ang naaresto dahil sa panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita, may ilang araw na ang nakalilipas, sa isinagawang follow-up operation noong Huwebes ng gabi sa magkahiwalay ng lugar ang dalawang lalaki na sinasabing responsable sa krimen sa Brgy. Dampol 1st, bayan ng Pulilan. Kinilala ang isang suspek na si Melvin Altubar, nasa hustong gulang ng Brgy. Poblacion habang nasa kustodya ng lokal na DSWD ang isa pang suspek na 16-anyos na helper.
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Arwin Tadeo, dakong alas-7:00 ng gabi, sinalakay ng mga tauhan nito ang bahay ng binatilyong suspek matapos na ituro siya ng isang babaeng testigo na siyang nagsangla ng cellpone na pag-aari ng biktima. Sa tactical interrogation, bumigay ang menor-de-edad at saka itinuro ang kasabwat na si Altubar. Nabatid na nagkaroon ng masayang inuman ang mga suspek at biktima sa loob ng isang bahay noong Martes ng gabi at nang mahilo ang biktima ay dito na siya inumpisahang gahasain sakalin at sinaksak pa ng ilang beses at saka itinapon sa isang sapa.
- Latest