Ginang na ‘tulak’ arestado sa P.6-M shabu
MANILA, Philippines — Swak sa kalaboso ang isang 42-anyos na ginang matapos siyang masakote ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa isang village sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Rowena Eugenio alyas ‘Wen’, may-asawa, ng Blk. 25, Lot 12, Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat, nagpanggap na buyer ang isang police asset at bumili sa suspek na shabu na halagang P2,000.
Matapos na mapagbilhan ay dito na isinagawa ang paglusob at pag-aresto sa ginang na nakuhaan ng tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng may 100 gramo na may street value na nagkakahalaga ng P680,000.00.
Ang suspek ay kilalang bigtime drug pusher sa nasabing lugat at sa Dasmariñas City, Cavite.
- Latest